Internasyunale
Bangon sa pagkakabusabos
Bangon mga bihag ng gutom
Katwiran ay bulkang sasabog
Buong lakas na dadagundong
Gapos ng kahapo'y lagutin
Tayong api'y magbalikwas
Tayo ngayo'y inaalipin
Subalit atin ang bukas
Ito'y huling paglalaban
Magkaisa nang masaklaw
Ng internasyunale ang sangkatauhan
Ito'y huling paglalaban
Magkaisa nang masaklaw
Ng internasyunale ang sangkatauhan
Wala tayong maasahan
Bathala o manunubos
Kaya't ang ating kaligtasa'y
Nasa ating pagkilos
Manggagawa bawiin ang yaman
Kaisipa'y palayain
Ang maso ay ating tanganan
Kinabukasa'y pandayin
Ito'y huling paglalaban
Magkaisa nang masaklaw
Ng internasyunale ang sangkatauhan
Ito'y huling paglalaban
Magkaisa nang masaklaw
Ng internasyunale ang sangkatauhan
Manggagawa at magsasaka
Ating partido'y dakila
Palayasin ang mga gahaman
Sa anakpawis ang daigdigan
Wakasan, pagsasamantala
Ng mga buwitre at uwak
Sa umagang sila'y maglaho
Mapulang araw sisikat
Ito'y huling paglalaban
Magkaisa nang masaklaw
Ng internasyunale ang sangkatauhan
Ito'y huling paglalaban
Magkaisa nang masaklaw
Ng internasyunale ang sangkatauhan











