Gabay sa Pag-aaral ng Lipunan at Rebolusyong Pilipino
"Ang Lipunan at Rebolusyong Pilipino ay isang pagsisikap na ilahad nang komprehensibo mula sa paninindigan ng Marxismo-Leninismo-Maoismo ang mga pangunahing agos ng kasaysayan ng Pilipinas, ang mga saligang problema ng sambayanang Pilipino, ang umiiral na istruktura ng lipunan, at ang estratehiya't taktika at makauring lohika ng rebolusyonaryong solusyon - ang demokratikong rebolusyon ng bayan".
[Download DOC Pilipino]
[Download DOC Cebuano]
Inihanda ng Pambansang Kagawaran sa Edukasyon
Layunin:
1. Maunawaan at magagap ang makasaysayan at panlipunang mga kalagayan na obhetibong nagbunsod ng pag-unlad ng lipunan at mamamayang Pilipino - sa kanilang pakikibaka laban sa makauring pagsasamantala at pang-aapi, para sa pagpapalaya sa kanilang sarili at sa gayun sa pagiging tagalikha ng kasaysayan.
2. Maunawaan at magagap ang batayang kontradiksyon at saligang problema at ang syentipiko at tamang makasaysayang solusyon.
3. Lubos na maunawaan at lumahok sa akmang mga porma ng pakikibaka at mga porma ng organisasyon para sa panlipunang tranpormasyon at rebolusyonaryong pagbabago ng lipunang Pilipino tungo sa pagkumpleto sa bagong tipong pambansang demokratikong rebolusyon na may sosyalistang perspektiba sa pamumuno ng pampulitikang partido ng proletaryado na ginabayan ng Marxismo-Leninismo-Maoismo.
Pagbubukas:
1. Ang Lipunan at Rebolusyong Pilipino ay isang pagsisikap na ilahad nang komprehensibo mula sa paninindigan ng Marxismo-Leninismo-Maoismo ang mga pangunahing agos ng kasaysayan ng Pilipinas, ang mga saligang problema ng sambayanang Pilipino, ang umiiral na istruktura ng lipunan, at ang estratehiya't taktika at makauring lohika ng rebolusyonaryong solusyon - ang demokratikong rebolusyon ng bayan.
Ipinaliliwanag ng librong ito kung bakit itinatag muli ang Partido Komunista ng Pilipinas na naglalayong pukawin at pakilusin ang malawak na masa ng sambayanan, pangunahin ang inaapi't pinagsasamantalahang manggagawa't magsasaka, laban sa imperyalismong U.S.., pyudalismo at burukratang kapitalismo na ngayo'y naghahari sa kasalukuyang malakolonyal at malapyudal na lipunan.
Ang librong ito ay maaaring magsilbi bilang pasimulaan ng bawat makabayang Pilipino sa pagsasagawa ng ibayong makauring pagsusuri at panlipunang pagsisiyasat na pagbabatayan ng kongkreto at masigasig na rebolusyonaryong pagkilos.
2. Balangkas
UNANG KABANATA: PAGREREPASO NG KASAYSAYAN NG PILIPINAS
I. ANG PILIPINAS AT ANG SAMBAYANAN
II. ANG MAMAMAYAN NANG DUMATING ANG KOLONYALISTANG ESPANYOL
III. ANG KOLONYALISMO AT PYUDALISMONG ESPANYOL
IV. ANG REBOLUSYONG PILIPINO NG 1896
V. ANG DIGMAANG PILIPINO-AMERIKANO
VI. ANG KOLONYAL NA PAGHAHARI NG IMPERYALISMONG US
VII. ANG PAKIKIBAKA NG SAMBAYANAN SA IMPERYALISMONG HAPONES
VIII . ANG KASALUKUYANG PAPET NA REPUBLIKA NG PILIPINAS
-
Ang Papet na Rehimeng Roxas, 1946-48
-
Ang Papet na Rehimeng Quirino, 1948-53
-
Ang Papet na Rehimeng Magsaysay, 1954-57
-
Ang Papet na Rehimeng Garcia, 1951-61
-
Ang Papet na Rehimeng Macapagal, 1962-65
-
Ang Papet na Rehimeng Marcos, 1966 -
IX. ANG MULING PAGTATATAG NG PARTIDO KOMUNISTA NG PILIPINAS
IKALAWANG KABANATA: MGA PUNDAMENTAL NA PROBLEMA NG SAMBAYANANG PILIPINO
I. LIPUNANG MALAKOLONYAL AT MALAPYUDAL
II. IMPERYALISMONG US
III. PYUDALISMO.
IV. BURUKRATANG KAPITALISMO
IKATLONG KABANATA: ANG DEMOKRATIKONG REBOLUSYON NG BAYAN
I. ANG SALIGANG KATANGIAN NG REBOLUSYONG PILIPINO
II. MGA URI SA LIPUNANG PILIPINO
III. ANG MAKAURING BATAYAN NG ESTRATEHIYA AT MGA TAKTIKA
IV. ANG MGA SALIGANG TUNGKULIN NG DEMOKRATIKONG REBOLUSYON NG BAYAN
V. ANG PERSPEKTIBA NG REBOLUSYONG PILIPINO
Pamamaraan:
- gamit ang tsart ilahad ang mga layunin, makasaysayang konteksto, balangkas ng pag-aaral .
* maaaring gamitin ang mga sipi na nasa pagbubukas ng bawat tsapter ng aklat bilang gabay sa paghugot ng esensya ng mga paksang tinatalakay.
Nota: tiyaking merong mapa o globo, mga tulong biswal na magagamit sa talakayan.
UNANG KABANATA: PAGREREPASO NG KASAYSAYAN NG PILIPINAS
"Ang pangunahing dahilan ng pagbabago sa lipunan ay ang pag-unlad ng panloob na mga kontradiksyon ng pwersa sa produksyon at ng relasyon sa produksyon, ang kontradiksyon ng mga uri, at ang kontradiksyon ng luma at ng bago. Ang pag-unlad ng mga kontradiksyong ito ang nagpapasulong sa lipunan at nagbibigay ng lakas para mapalitan ng bago ang lumang lipunan".
- Mao Zedong
(Maaaring gamitin ng instructor ang KnP- timeline at BKP biswal: KNP1-6 sa pagtalakay.)
Pamamaraan:
- gamit ang tsart ilahad ang mga layunin, makasaysayang konteksto, balangkas ng pag-aaral .
* maaaring gamitin ang mga sipi na nasa pagbubukas ng bawat tsapter ng aklat bilang gabay sa paghugot ng esensya ng mga paksang tinatalakay.
Nota: tiyaking merong mapa o globo, mga tulong biswal na magagamit sa talakayan.

