Gabay sa Pagtalakay ng Pahayag sa Ika-42 Anibersaryo ng Partido Komunista ng Pilipinas
Ipinagdiriwang natin ang ika-42 anibersaryo ng pagtatatag ng Partido Komunista ng Pilipinas sa teoretikong gabay ng Marxismo-Leninismo-Maoismo sa pamamagitan ng pagpapanibago ng ating kapasyahang tupdin ang mga pampulitika at iba pang rekisito upang isulong mula estratehikong depensiba patungong estratehikong pagkapatas ang digmang bayan para sa pambansang kalayaan at demokrasya laban sa imperyalismong US at mga lokal na nagsasamantalang uri.
[Download PDF Pilipino]
[Download DOC Pilipino]
Pambansang Kagawaran sa Edukasyon
Enero 2011
1. Balangkas ng Pahayag sa Anibersaryo:
Tupdin ang mga rekisito para sa pagsulong ng digmang bayan mula estratehikong depensiba patungong estratehikong pagkapatas
I. Matagalang pandaigdigang depresyon at kaguluhan
II. Lumalala ang palagiang krisis ng bulok na sistema
III. Pinamumunuan ng Partido ang rebolusyon
IV. Mga bagong tungkuling panlaban
2. Sa pambungad, ang diin ay:
Ang lumalalang krisis ng pandaigdigang kapitalismo at ng sistemang malakolonyal at malapyudal ay nagbibigay sa atin ng mainam na kalagayan para lalong mapalakas ang mga suhetibong pwersa ng rebolusyon at maisulong nang yugtu-yugto ang digmang bayan. Walang kakayahan ang mga naghaharing uri ng malalaking kumprador at panginoong maylupa na lutasin ang krisis at pinalalala pa nga nila ito bunga ng kanilang pangangayupapa sa dayuhang monopolyong kapitalismo, ng mapandambong nilang katangian at ng kanilang kalupitan. Higit kailanman ay mas naghihirap ngayon ang mamamayan at itinutulak sila ng krisis para ipaglaban nang puspusan ang kanilang pambansa at demokratikong mga karapatan at interes.
3. Matagalang pandaigdigang depresyon at kaguluhan
Inilatag dito ang ilang pangunahing punto ng krisis sa ekonomya sa daigdig; pero higit na nagpalawig sa kagulugan sa pulitika.
Patuloy na lumulubha at lumalalim ang krisis ng pandaigdigang sistemang kapitalista dahil kumakapit ang mga imperyalistang kapangyarihan sa ganid na pundasyon ng kapitalistang pagsasamantala at sa dogma ng globalisasyong neoliberal. Ang ibinubunga nitong kaguluhang pampulitika ay may kaakibat na pag-usbong ng mga tunguhing reaksyunaryo, pagtindi ng terorismo ng estado, dayuhang interbensyong militar at mga gerang agresyon. Sa gitna ng lahat ng ito ay sumisibol ang paglaban at pagrerebolusyon ng mamamayan.
a) matagalang pandaigdigang depresyon
Lito at inutil ang mga lider ng mga imperyalistang bayan sa paglutas sa matagalang depresyon. Nababahala sila sa proteksyunistang tunguhin (gaya ng pagtataas ng mga taripa at pagbubuwis sa import). Nababahala rin sila sa tunguhing deplasyon (pagbaba ng mga presyo) bunga ng depresyon at sa tunguhing implasyon (pagtaas ng mga presyo) bunga ng pampublikong paggasta.
Sa US, bumagsak ang tantos ng implasyon sa 0.8% na nagbabadya ng deplasyon. Para pigilan ang tunguhing ito, ipinatupad nila ang QE2 (quantitative easing 2; ipinatupad ang QE 1 noong Marso 2009) at ang pagbabawas ng buwis. Sa kagyat, mamimili ang gubyerno ng US ng mga asset ng kumpanya (maging ang mga toxic na asset) para diumano mas dumami ang pera sa sirkulasyon at maitulak ang pamimili, at sa gayon, pati ang produksyon. Ganoon din ang layon ng mga tax cut. Sa kahuli-hulihan, mangangahulugan ito ng pag-imprenta at paglalabas ng bagong mga dolyar (mga $100 bilyon kada quarter), at inaasahan nilang makokontra ng hakbang na ito ang tunguhin ng deplasyon. Inaasahan nilang bababa ang halaga ng eksport ng US.
Tumataas ang tantos ng disempleyo; umabot ito sa USA sa upisyal na 9.8% sa pagtatapos ng taon. Ayon naman sa Newsweek December 20, 2010, 17% ng mga Amerikano ang walang trabaho, hindi na naghahanap ng trabaho, o partaym lamang ang trabaho.
Dahil sa bail-out funds sa malalaking kumpanya, kumikita na naman ang mga transaksyong pinansyal nila, at tumaas nang kaunti ang stock market, na nagtapos sa +5% o 1258 points nitong 2010.
Lumalaki ang pampublikong depisit at utang ng US. Nagbigay ang Kongreso ng US ng $300 bilyon sa panibagong stimulus package; nagkasundo ang mga Democrat at Republican na magdagdag ng $900 bilyon sa utang ng US.
Ibinababa ang sahod. Ginawang mas magastos ang segurong pangkalusugan. Binawasan ang ayuda sa mga walang trabaho at mga pensyon. Kinaltasan nang malaki ang mga serbisyong panlipunan. Marami sa trabaho ang pinaghahatian na ng dalawang tao, huwag lamang mawalang ng pagkikitaan.
Kaguluhan sa Pulitika
Makikita ang paglaban ng mamamayan sa welga ng mga manggagawa, protesta ng mga estudyante sa pagkaltas sa badyet sa edukasyon, at pagtutol sa malaking pagbabawas sa serbisyong panlipunan sa sektor pampubliko at pagbubunton ng krisis sa mga manggagawang migrante at imigrante.
Halimbawa nito ang protesta ng mga estudyante sa Europa, ang welga laban sa pagtataas ng edad sa pagreretiro sa France, ang malawakang kilos protesta sa Greece at Ireland, at kamakailan, ang malawakang kilos protesta sa Colombia laban sa pag-aalis ng subsidyo sa langis.
Inilalantad ang ugat ng krisis, pero nang-uupat ng sobinismo, rasismo, diskriminasyon sa relihiyon at iba pang reaksyunaryong tunguhin ang monopolyong burgesya para ikubli ang mga ugat ng krisis (gaya ng pagsisi ng krisis ng US sa Tsina) at ibunsod ang pagsulong ng mga reaksyunaryong partido (gaya ng Tea Party).
Lalong nagiging mapanupil at kumikiling sa paggamit ng terorismo ng estado ang mga imperyalistang estado. Pinag-iibayo ang isterya at produksyong pandigma, pati na interbensyong militar at gerang agresyon. Halimbawa, mga asasinasyon, cyberattack at sabotahe ng US sa Iran, at pambobomba ng mga drone ng US sa border ng Pakistan. Gayundin, sinasamantala ang disempleyo para magrekrut ng dagdag na mga tropa para buwagin ang mga welga at demonstrasyon sa lansangan.
Tuluy-tuloy na lumalaki at nagiging litaw ang mga kontradiksyon sa hanay ng mga imperyalistang kapangyarihan sa mga usaping pang-ekonomya, pampinansya at panseguridad. Ngunit namamantini pa rin ng mga imperyalistang kapangyarihan ang kanilang alyansa laban sa mga aping bayan at bansa sa mga atrasadong bansa.
Nagaganap sa kasalukuyan ang "currency wars" at "exchange-rate tensions" sa pagitan ng US at Tsina, at kawalang katiyakan sa kinabukasan ng Euro - na nagpapatampok sa lumalaking gawak sa pagitan ng mauunlad na ekonomya at mabilis na lumalagong sumisibol na mga ekonomya. Ito ay kinatatangian ng panlahatang depresasyon ng mga pananalapi. Ayon sa US, "undervalued" ang Yuan ng Tsina (mas mababa sa tunay na halaga). Tumaas ang halaga ng yuan nang 2.5% kumpara sa dolyar sa nakaraang anim na buwan. Sa ngayon hinayaan ng bangko sentral ng Tsina na lumutang nang malaya ang yuan. Ayon sa US, ang mababang balwasyon ng yuan ay nagbubunga ng "unfair trade advantage" na humihigop sa mga trabaho mula sa US. Pero kung patataasin ang halaga ng yuan, maraming empresang pang-eksport ng Tsina ang mababangkrap, at maraming matatanggal sa trabaho. Gayunman, bumaba ang yuan ng 3% kumpara sa Euro, at 5% kumpara sa yen.
Napupwersa ang mga bangko sentral ng iba't ibang bayan na pigilin ang pagtaas ng halaga ng kanilang pananalapi sa pamamagitan ng pagbili ng mga dolyar, pangunahin sa anyo ng US Treasury Bonds. Hindi mapananatili ang sistemang ito, at kinukwestyon ang pamamaraang ito maging ng US. Sa Europa, may debate kung pananatilihin pa ang Euro; nag-interbensyon naman ang Japan sa mga pamilihan ng pananalapi para pigilin ang pagtaas ng yen.
Umiigting higit kailanman ang kumpetisyon ng mga imperyalista para sa mga pagkukunan ng murang paggawa, langis at ibang hilaw na materyales, pamilihan, paglalagakan ng puhunan at saklaw ng impluwensya.
Diskumpyado ang US sa tendensya ng European Union (EU) na alagaan ang sariling mga interes sa Europe, Asia, Latin America at Africa. Ang EU ay hinahagupit ngayon ng krisis sa pampublikong utang dulot ng mga bailout (pagsalba sa mga naluluging kumpanya) at nagpatung-patong na paggastang neoliberal sa mataas na konsumo at mga proyektong pangkonstruksyon.
Patuloy na sumasabit ang Japan sa pundilyo ni Uncle Sam sa usapin ng akomodasyon o pagtutulungan sa kalakalan, pamumuhunan, teknolohiya at seguridad. Nais naman ng US na magsilbi ang Japan bilang pangontra sa China bilang bahagi ng arc of containment o hanay para hadlangan ang impluwensya ng China sa rehiyong Asia-Pacific.
Pangunahing magkatuwang ang US at China sa ilalim ng patakaran ng globalisasyong neoliberal, kung saan ang US ay nagsisilbing pangunahing balon ng puhunan at pangunahing pamilihan para sa mga murang manupakturang pangkonsumo ng China. Sinisisi ng US ang China sa pandaigdigang krisis sa ekonomya at pinansya, at nagngangangawa ito na ang mga surplas sa eksport ng China ang dahilan ng pagkakabaon ng US sa utang.
Tinatanaw ng US ang China bilang kasalukuyan at numero unong karibal nito sa usapin ng ekonomya at pulitika, sa kabila ng katotohanang ang China ay isang mahirap na bansa na mababa ang GDP kada tao.
Pinatibay ng China ang ilang bahagi ng baseng industriyal na minana nito sa sosyalismo, ngunit pinahina naman ang iba pang bahagi sa pamamagitan ng pribatisasyon. Malaki ang reserba nitong dolyar na ginagamit nito para mag-eksport ng puhunan sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Ngunit hinahabol ng US at iba pang kumpanyang multinasyunal ang naturang mga reserbang dolyar.
Napaunlad na ng China ang mga makabagong sandata nito na hindi basta-basta sa layuning pandepensa, pero wala pa rin itong sinabi sa mga sandata ng US para sa layuning pang-opensa o panalakay.
Ang US ay pinahihina ngayon ng krisis sa ekonomya at pinansya, gayundin ng mga gerang agresyon nito sa Iraq at Afghanistan, at ng sobrang pagkabanat ng mga pwersang militar nito sa iba pang dako ng mundo.
Syempre pa, ang pinakanasasalanta ng krisis ng pandaigdigang sistemang kapitalista ay ang mga atrasadong bansa sa Asia, Africa at Latin America at yaong mga umurong na bansa sa Eastern Europe at ilang republika ng dating Soviet Union. Naghahangad at nakikibaka sila para sa pambansa at panlipunang paglaya mula sa mga imperyalistang bansa at mga lokal na nagsasamantalang uri.
Nagsusulong ng pinakamalalaki at pinakamaiigting ang mga armadong kilusan sa mga bayang binibiktima ng mga gerang agresyon ng US tulad ng Iraq at Afghanistan. Ang nangunguna naman sa mas matagalang pagrerebolusyon ay ang mga partidong Maoista: India, Pilipinas, Turkey, atbp. May mga partido ring hayag na nagpapakilalang Marxista Leninista gaya ng sa Colombia.
Nagapi ang Tamil Tigers bunga ng kamalian sa estratehiya at taktika, pero may bago nang rebolusyonaryong pamunuan na nagdeklarang ipagpapatuloy ang digmang bayan doon. Ang Nepal ay nasa sangandaan ng pag-angkin sa gubyerno sa pamamagitan ng parlamentaryong pakikibaka at pag-aalsang masa, o ng pagpapatuloy ng matagalang digmang bayan.
Marami pang lilitaw na armadong rebolusyonaryong kilusan sa iba,t ibang kontinente at bansa dahil sa matagalang krisis at mga epekto nito.
II. Lumalala ang palagiang krisis ng bulok na sistema
Walang anumang makabuluhang pagbabago sa pagpapalit ng papet na administrasyon mula kay Arroyo tungo kay Aquino.
A. Krisis sa ekonomya
Patuloy na lumulubha ang palagiang krisis ng sistemang malakolonyal at malapyudal bunsod ng krisis ng pandaigdigang sistemang kapitalista. Higit kailanman, ang Pilipinas ay nakaasa sa pag-eeksport ng hilaw na materyales, migranteng paggawa at manupakturang mababa ang dagdag-halaga at napakababa ng presyo ng mga ito ngayon sa pandaigdigang pamilihan. Higit kailanman, ang Pilipinas ay hinahagupit ng mga depisit sa kalakalan at namamalimos ng mga dayuhang pautang sa mas mabibigat na kundisyon at mga pamumuhunang portfolio sa paghahabol ng mas malaking kita sa pamilihang pampinansya.
- globalisasyong neoliberal at binabalewala nito ang pambansang industriyalisasyon
at reporma sa lupa; dayuhang pautang; prayoridad sa pagbebenta ng Pilipinas at pag-akit ng dagdag na dayuhang pamumuhunan.
- asahang walang pagtaas ng sahod at sweldo; walang tunay na reporma sa lupa; patuloy na tumataas ang presyo ng mga bilihin... halimbawa: pagtaas ng presyo ng mga produkto ng langis, toll sa mga haywey, ng bayad sa MRT-LRT, pamasahe, karne, isda, gulay, atbp.
- isasapribado ang mga asset ng gubyerno. Halimbawa - ang MRT-LRT na balak isapribado sa kalagitnaan ng 2011. Para maibenta ito, titiyakin ng gubyerno na kikita ang bibili. Sa ngayon, ayon sa gubyerno, ang halaga ng gastos sa bawat pasahero ay umaabot ng P62 kada sakay. Ibig sabihin, para matiyak na may kita ang bibili ng MRT-LRT, maaaring sisingil ito ng P70 kada sakay, o mas mataas pa.
B. Pulitika
Ang kampanyang kontra-insurhensya (Oplan Bayanihan) ni Aquino ay katulad ng Oplan Bantay Laya ni Arroyo at nakapadron sa US Counterinsurgency Guide. Pinagkukumbina nito ang lahat ng anyo ng panlilinlang, pambibitag at brutal na dahas sa pagsisikap na gawin ang lahat para durugin ang mga rebolusyonaryong pwersa.
"Sinasabi nito na ang diskarteng “pangkabuuan ng bansa” at “nakatuon sa mamamayan” na tangan nito ngayon ay tunay at mas pangunahin kaysa diskarteng militar o “nakatuon sa kaaway.” Ang mga pasistang bala at kahayupan ay pinapalamutian ng mga bago nitong islogan ng pakitang-taong pagmamalasakit sa mamamayan at paggalang sa karapatang-tao, para lamang pagtakpan at bigyang-daan ang mga brutal nitong kampanya ng panunupil laban sa mamamayan at mga rebolusyonaryong pwersa nila." Pero sa kahuli-hulihan, mas pangunahin ang mga hakbanging militar at pwersa.
Bukambibig nito ang mabuting pamamahala, paghahatid ng serbisyo, kaunlarang pang-ekonomya at mga repormang panseguridad; pamumudmod ng limos para sa layuning kontra-insurhensya; pasahulin ang pagkaatrasado ng ekonomya; at ilihis ang mga rekurso mula sa edukasyon, kalusugan at iba pang mahahalagang serbisyong panlipunan tungo sa militar, bayad-utang at pag-uwi ng tubo ng mga MNC.
Suportado ito ng WB, US Millenium Challenge Corporation at iba pang imperyalistang ahensya sa mga estadong may proyektong pangkaunlaran tulad ng Millenium Development Goals at Conditional Cash Transfers.
Ang sinasabing pagwawagi niya sa eleksyon ay itinakda ng propaganda, pondo at manipulasyon ng US at ng pinakamasasahol na lokal na reaksyunaryo sa de-kompyuter na eleksyong kontrolado ng dayuhan. Ang rehimeng Aquino ay idinidirihe ng mga dayuhan at lokal na interes na nagdirihe rin noon sa rehimeng Arroyo.
Uusigin at lilitisin diumano ang rehimeng Arroyo, pero tumungo sa pagbabasura ng Korte Suprema sa Truth Commission; patuloy ang pagkunsinti hindi lamang sa mga paglabag ng rehimeng Arroyo sa karapatang-tao kundi maging sa mga paglabag ng kasalukuyang rehimen mismo. Napwersa na palayain ang Morong 43 dahil sa kahiingan sa loob at labas ng bansa at sa paglaban ng detenido mismo, pero kailangan pang panagutin ang AFP sa inhustisya, tortyur at pagpapahirap sa mga biktima. Hindi pa rin pinalalaya ang mga bilanggong pulitikal at ang mga ginarantiyahan ng JASIG.
Ginagamit nito ang islogang karapatang tao upang sistematikong labagin ang karapatang-tao; gagamitin nito ang negosasyong pangkapayapaan sa NDFP at MILF bilang instrumento sa pana-panahong propaganda at hadlangan ang kahilingan ng mamamayan sa saligang repormang panlipunan, pang-ekonomya at pampulitika...
"Ang pinakamahalaga sa ngayon para sa rehimeng Aquino ay palakasin ang mga pwersang militar, pulis at paramilitar at ipakat sila laban sa mamamayan at mga rebolusyonaryong pwersa."
Kinukunsinti ang mga kasong korapsyon ng pangkating Arroyo at hinahayaan ang patuloy na pananalasa ng katiwalian kaya tiyak na magagalit ang mamamayan sa rehimeng Aquino. Kontra rin si Aquino sa hustisya at kaunlarang panlipunan (pambansang industriyalisasyon at reporma sa lupa) na kailangan para wakasan ang kahirapan.
Mas laganap at mas matindi ang diskuntentong panlipunan.
Nag-iibayo ang armadong rebolusyonaryong pakikibaka.
Umiigting ang mga kontradiksyon sa hanay ng mga reaksyunaryo; kumitid pang lalo ang pang-ekonomya at pampinansyang batayan para sa pagbibigayan ng mga reaksyunaryo. Sinosolo ng rehimen ang katas ng kapangyarihan habang natutulak ang mga reaksyunaryo sa oposisyon na ilantad ang korapsyon at iba pang krimen ng mga nasa kapangyarihan. Nagtatayo ang magkakalabang reaksyunaryo ng kani-kanyang armadong lakas sa pamamagitan ng pag-aalaga ng mga paksyon sa militar at pulisya at pag-oorganisa ng sariling mga armadong badigard at ahensyang panseguridad. Lamang si Aquino sa paggamit sa chain of command, pero bulnerable sa pabagu-bagong hanayan ng mga armadong paksyon na nag-aagawan sa kapangyarihan at kurakot.
Walang palatandaan na magwawakas ang gera sa pagitan ng gubyerno sa Maynila at MILF. Hinahabol ng rehimen at imperyalistang amo ang pagsuko ng MILF para madambong ang kayamanan ng lupaing Bangsamoro sa Mindanao.
Nababawasan ang mga pwersang militar na maaaring ipakat laban sa BHB; habang sumusulong ang digmang bayan sa buong Pilipinas, mas umiinam ang hinaharap ng MILF at Bangsamoro sa pagkakamit ng kanilang rebolusyonaryong adhikain. Kinikilala ng PKP ang karapatan ng sambayanang Moro sa pambansang pagpapasya-sa-sarili.
Tumatalas ang kontradiksyon sa pagitan ng mga imperyalistang US at sambayanang Pilipino.
- Pinahihigpit ng US ang kontrol sa ekonomya sa pamamagitan ng patakaran ng globalisasyong neoliberal.
- Pinag-iibayo ang interbensyong militar sa ilalim ng "pandaigdigang gera sa terorismo" at VFA at COIN Guide. "Gamit ang iba’t ibang sangkalan, naisakatuparan ng US ang permanenteng pagbabase at pagpapakat ng mga pwersang militar sa Pilipinas. Hayagang tumatayo ang mga upisyal militar ng US bilang mga boss ng mga papet na pwersang Pilipino."
Desidido ang US na pag-ibayuhin ang interbensyong militar tungong gerang agresyon laban sa sambayanang Pilipino... pero nakasasama sa mga pwersang militar ng US ang sarili nitong krisis sa ekonomya at pulitika, pagkahigop sa agresyon sa Iraq at Afghanistan, at sobrang pagkabanat sa pakat nito sa ibang bansa.
Mapaliliit ang posibilidad ng agresyon laban sa sambayanang Pilipino sa pag-usbong ng marami pang armadong rebolusyon sa mundo at mga hakbanging diplomatiko... at pinakamahalaga, ng natitipong makabuluhang lakas at karanasan ng rebolusyonaryong pwersa.
III. Pinamumunuan ng Partido ang Rebolusyon
Matagumpay na napamunuan ng Partido Komunista ng Pilipinas ang rebolusyong Pilipino sa loob ng mahigit 42 taon mula nang itatag ito. Nagapi nito ang lahat ng militar na kampanyang panunupil na pinakawalan ng rehimeng Marcos para pigilin ang paglakas ng rebolusyon mula 1969 hanggang 1972 at ang 14 na taong pasistang diktadura mula 1972 hanggang 1986; at pagkatapos, ang iba’t ibang kampanya ng mga rehimeng sumunod kay Marcos mula 1986 hanggang sa kasalukuyan.
Nagkamit ng mga tagumpay sa I, P, at O.
- naitaguyod at naisulong nito ang MLM at nailapat sa kasaysayan at kalagayan ng Pilipinas
- linya ng bagong demokratikong rebolusyon sa pamamagitan ng MDB
- tumalima sa prinsipyo ng demsen.
CSC at kampanyang pagwawasto; IDKP (1992-1998) -- ang mga kaliwang oportunistang nagtulak ng linyang SCO at insureksyunismong lunsod ay lumihis sa linya ng MDB at kalaunan, nakisanib sa mga Kanang oportunistang natangay ng Gorbachovismo, Trotskyismo, liberalismong burges at iba pang tendensyang petiburges; muling ipinagtibay ang mga rebolusyonaryong prinsipyo at iwinasto ang mga pagkakamali; nilabanan at ginapi ang oportunista; nilabanan ang mga ideya at patakaran kaugnay ng opensiba sa ideolohiya, pulitika, ekonomya at militar ng US at mga kaalyado nito; binigo at ginapi ang pangwawasak ng mga oportunistang kalauna'y lumantad bilang mga taksil at ispesyal na ahente ng kaaway.
"Ngunit may ilang aspeto at bahagi ng gawain na hindi nabigyan ng maagap at kaukulang pansin hanggang matapos na ang IDKP."
- talakayin dito ang laman ng paglalagom ng kinabibilangang rehiyon/organo, probinsya/larangan/yunit.
"Nakapagpreserba at nakapagpalakas ang Partido sa pinakamasasahol na kalagayan."
Halos sampung taong ipinatupad ng rehimeng Arroyo ang Oplan Bantay Laya (OBL). Pinakinabangan ng rebolusyonaryong kilusan ang mga tagumpay na nakamit sa IDKP. Sa ilang rehiyon, higit na lumakas ang mga rebolusyonaryong pwersang kinonsentrahan ng atake ng kaaway. Ang iba ay nakapagmantini ng lakas para makabwelta sa armado at ligal na pakikibaka. May isang rehiyong nakalampas sa buong takbo ng OBL 1, ngunit humina naman kapwa sa armado at mga ligal na anyo ng pakikibaka sa takbo ng OBL 2. Sa ilang rehiyon, lumaki ang rebolusyonaryong kilusan dahil madalang ang pwersang militar ng kaaway bunga ng sobrang pagkabanat sa ibang lugar."
- talakayin dito ang kalagayan ng rehiyon/probinsya/larangang kinapapalooban.
Pagdaraos ng BKP, IKP at AKP. Lubos na kailangan ang mga kadre at kasaping may sapat na antas ng teoretikong kaalaman sa Marxismo-Leninismo-Maoismo. Sila ang nagsisilbingmatibay na bag-as ng rebolusyonaryong kilusan. Pagsasalin, pag-iimprenta, mga tulong sa pag-aaral, digital.
Patuloy ng pagsulong ng linyang pampulitika ng DRB sa pamamagitan ng MDB at pagtunggali at paggapi sa mga tagapagtaguyod ng kontrarebolusyon at repormismo.
Pagpukaw, pag-organisa at pagpapakilos sa iba't ibang seksyon ng masa... "Ngunit may ilang organisasyong masa at alyansang humina hindi dahil sa mga kampanyang panunupil ng kaaway, kundi bunsod ng mga kamalian at pagkukulang sa pamumuno sa mga kinauukulang organo ng Partido."
- tukuyin at talakayin sa bahaging ito ang mga kahinaan at kamalian sa gawaing masa ng partikular na kinapapaloobang yunit at paano ito mapangingibabawan.
"Ang kilusang masa ng mga manggagawa, magsasaka, kabataan, kababaihan, propesyunal at iba pang mamamayan ang pinagmumulan ng mga kasapi ng Partido at mga mandirigma ng BHB. Ito ang pwersang ginagamit ng masa mismo para ipahayag ang kanilang mga pangangailangan, kahilingan at hangarin. Ito ang pwersang magagamit nila para ipundar at kilalanin ang sarili nilang lakas. Ito rin ang pwersang magagamit para makapagbuo ng iba’t ibang tipo ng alyansa."
BHB: 110-120 larangang gerilya. Pabagu-bago ang bilang ng mga larangang gerilya dahil sa konsentradong mga atake ng kaaway na iba't iba ang tagal... maaaring maglipat ng mga pwersa, mag-iwan ng mga yunit para ipako ang kaaway at maglunsad ng mga opensiba laban sa pinakamhihinang bahagi ng kaaway sa ibang lugar.
Pagsasanib ng armadong pakikibaka sa tunay na reporma sa lupa at pagtatayo ng baseng masa at OKP.
Binubuklod ng NDF ang 17 rebolusyonaryong pwersa: PKP, BHB, RCTU, KM, PKM, KASAMA, MAKIBAKA, MRLO, ROL, (CPDF), KAGUMA, MASAPA, (Abugado), MKP, LAB, ARMAS, CNL...
Usapang pangkapayapaan: pilit na ginagamit ng magkakasunod na reaksyunaryong rehimen para linlangin ang mamamayan, pagwatak-watakin ang mga rebolusyonaryong pwersa, at itulak ang NDF na manahimik at sumuko. "Ngunit wasto at tuluy-tuloy na naigiit ng NDFP na dapat sundin ang balangkas na kasunduan, ang The Hague Joint Declaration, at dapat resolbahin ang mga ugat ng armadong tunggalian sa pamamagitan ng mga repormang panlipunan, pang-ekonomya at pampulitika upang ilatag ang batayan para sa makatarungan at matagalang kapayapaan."
Maaaring makamit ang makatarungang kapayapaan sa sumusunod na kaparaanan: ganap na tagumpay ng armadong rebolusyon, pag-usbong ng anti-imperyalistang gubyernong koalisyon o antiimperyalistang alyansa at kasunduan sa tigil-putukan."
Hindi madaling makamit ang alinman sa mga ito.
"Hindi binibitawan ng NDFP ang usapang pangkapayapaan, dahil nagbibigay ito ng pagkakataon para maipaliwanag ang programa para sa demokratikong rebolusyong bayan, makahimok ng mas marami pang kapanalig ng rebolusyon at maging bukas sa mga posibilidad na inihahain ng lumulubhang krisis ng naghaharing sistema at ng pandaigdigang sistemang kapitalista."
IV. Mga bagong tungkuling panlaban
(Dapat) itaas ang antas ng sinsin at kalidad ng kanilang pakikibaka, tupdin ang mga rekisito, isakatuparan ang mga kinakailangang gawain at isulong ang digmang bayan. Dapat samantalahin ng Partido ang mainam na kalagayang likha ng krisis ng pandaigdigang sistemang kapitalista para magrebolusyon. Dapat nitong harapin at gapiin ang pakana ng kaaway para durugin ang armadong rebolusyon sa Pilipinas. Dapat ito gumawa ng malalaking pagsulong sa pagtupad sa mga minimithing pambansa at panlipunang paglaya ng mamamayan.
Mga rekisito:
1. Dapat mapangahas na magpalawak ang Partido nang hindi nagpapapasok ng kahit isang di kanais-nais.
-sangay sa mayorya ng mga barangay, bawat kumpanya ng BHB; may PG sa iba't ibang antas ng organisasyong masa at mga institusyon
-magrekrut sa mga organisasyong masa nang maramihan
-dadaan sa pag-aaral ng MKLRP at Eskum
-prayoridad: pinakasulong na mga aktibista
-BKP sa panahon ng kandidatura
-anim na buwang kandidatura sa mula sa uring manggagawa at magsasaka
-awtomatikong magiging GK pagtuntong ng 18 anyos ang mga kasapi ng KM-CYL basta nakatapos ng BKP
-ipatupad ang mga probisyon sa pagsapi; iwasto ang mga kahinaan gaya ng dagdag na tuntunin at pamantayan, pagkakaantala ng pag-angat sa GK
-GK: IKP at AKP
-maglagom para tukuyin ang kalakasan at kahinaan at magbalangkas ng plano
-deployment para tulungan ang mas mahihinang rehiyon
2. Dapat atasan ng Partido ang BHB na magparami ng pultaym na mandirigma.
-bawat LG dapat di bababa sa isang kumpanya
-pagtiyak ng pamumuno sa BHB - KS at Kom Mil: pagbabalangkas ng mga estratehikong patakaran at plano batay sa mga ulat at rekomendasyon mula sa ibaba at paglalabas ng mga atas sa Pambansang Kumand sa Operasyon ng BHB; sistema ng upisyal pampulitika; sangay sa bawat kumpanya o platun at PG sa bawat iskwad
-magparami ng yunit sa pamamagitan ng paglaban sa mga pwersa ng kaaway at pagsamsam ng mga armas
-mga taktika ng paglipol katuwang ang mga taktika ng atrisyon
-pagbawalan, alisan ng kakayahan o lansagin ang mga empresang hindi sumusunod sa mga tuntunin at regulasyon ng demokratikong gubyernong bayan, bumabalewala at lumalabag sa kagalingan at interes ng mamamayan, at gumagawa ng mga mapang-abuso at antagonistikong hakbang laban sa mamamayan
-rebolusyonaryong hustisya
-mga taktikal na opensiba, at taktika ng pag-ilag/paglipat, konsentrasyon at dispersal
-papalawak at papalalim na baseng masa
-pagpapaunlad ng mga organisasyong masa ng mga manggagawa, magsasaka, kabataan, kababaihan, aktibistang pangkultura at iba pang sektor; tumulong sa pagtatayo ng mga OKP
-deployment mula sa kalunsuran patungo sa kanayunan
3. Dapat palakasin ng Partido ang saligang alyansa ng uring manggagawa at magsasaka.
-kumbinasyon ng namumunong pwersa - uring manggagawa - at pangunahing pwersa - uring magsasaka
-kabigin ng saligang alyansa ang petiburgesyang lunsod; NDF bilang pinakamainam na ekspresyon at pinakakonsolidadong lihim na alyansa ng mga manggagawa, magsasaka at petiburgesya
-kabigin ang panggitnang burgesya
-maging bukas sa pinakamalawak na posibleng alyansa, kabilang ang mga reaksyunaryong pwersang kontra sa kaaway na pinakareaksyunaryo at sunud-sunuran sa mga imperyalista, habang minamantini ang kasarinlan at inisyatiba
"...ang reaksyunaryong pwersang itinuturing na kaaway ay ang naghaharing pangkatin.
Ngunit hindi nagsasara ang Partido sa posibilidad ng anti-imperyalistang pakikipag-alyansa at tigil-putukan sa isang rehimeng nasa poder na pumupusisyong anti-imperyalista at demokratiko. Ang negosasyong pangkapayapaan ng GRP at NDFP ay itinuturing nitong paraan para himukin at bigyangdaan ang paglitaw ng isang gubyerno ng pambansang pagkakaisa laban sa mga imperyalista at mga pusakal nilang papet."
-hanggat walang posibilidad ito, isulong ang DRB sa pamamagitan ng MDB











