Ang Ating PADEPA Online

blackboardIto ang digital na edisyon ng ating Pambansa-Demokratikong Paaralan. Dinisenyo ang PADEPA Online upang makaagapay sa mas mabilis, sistematiko at regular na pagpapalaganap ng mga materyal para sa masigla at tuluy-tuloy na paglulunsad ng edukasyong pampulitika sa hanay ng malawak na masa at ng mga aktibista ng pambansa-demokratikong kilusan. Sa minimum na rekisitong mga kagamitan gaya ng kompyuter at printer, maaari nang magparami ng kopya ng mga babasahin at iba pang kagamitang pang-PADEPA mula sa website na ito.

May anim na mayor na bahagi ang website na ito.

Ang KURIKULUM ang talaan at imbakan ng mga kurso, aralin, praymer, aklat at iba pang dokumento at babasahin sa ilalim ng pambansang istandard na kurikulum ng PADEPA. Bawat dokumento ay maaaring i-download sa pormat na DOC; ang ilan sa babasahing may limbag na bersyon ay maaaring buksan sa pormat na PDF.

Nasa PAGSASANAY pangunahin ang istandard na modyul na Kurso sa Pagsasanay para sa mga Instruktor ng PADEPA (KPI-PADEPA). Narito rin ang modyul para sa pagsasanay sa pagdrowing ng mga instruktor.

Maaaring sumangguni ang mga instruktor-PADEPA sa GABAY para sa mga halimbawa o modelong plano sa pagtuturo (lesson plan) para sa batayang mga kurso at aralin. Narito rin ang mga gabay sa pag-aaral o study guide para sa indibidwal na pagbabasa ng piling mga dokumento.

Ang iba’t ibang set ng larawan at ilustrasyon para sa pagtuturo ng batayang mga kursong PADEPA ay maaaring i-download mula sa BISWAL at i-imprenta bilang tsart o poster. Ang ilang dibuhong pabalat ng limbag na mga materyales ay maaari ring makuha mula rito sa pormat na JPG.

Nasa AWIT ang mga lyrics, chords at MP3 ng seleksyon ng mga awiting angkop na itanghal sa mga pag-aaral.

Para sa mga pag-aaral na gumagamit ng makabagong elektronikong pasilidad, nasa MEDIA ang ilang mga bidyo.

linebreak

SubscribeFind UsFollow Us