Lesson Plan para sa Isahang Pagtuturo ng Tatlong Espesyal na Kursong Masa
[Download PDF Pilipino]
[Download DOC Pilipino]
[Download DOC Cebuano]
Sa loob ng anim hanggang pitong oras, inaasahang epektibong maituturo ang tatlong Espesyal na Kursong Masa o Tatlong ESKUM (ESKUM Magsasaka, ESKUM Kababaihan, Eskum Kabataan) gamit ang lesson plan na ito.
Layunin ng lesson plan na ito pasimplehin at paikliin ang pagtuturo ng 3 ESKUM upang tiyaking matatapos ito sa isang sesyon ng tuluy-tuloy na pag-aaral. Batay ito sa kalagayang:
-
maraming hindi nakakakumpleto ng 3 ESKUM;
-
napapatingkad ang “sektoral” na subdibisyon ng mga organisasyong masa (makikita hanggang sa pag-oorganisa) imbes na patalasin ang papel ng Rebolusyonaryong Kilusan ng Magsasaka sa Demokratikong Rebolusyong Bayan;
-
may pangangailangang iistandardisa ang pagbibigay ng eskum.
-
Kailangang nakatapos na ng MKLRP ang bibigyan ng 3 ESKUM.
Layunin: Magagap ng mag-aaral ang:
-
katangian, kasaysayan at rebolusyonaryong solusyon sa problema sa lupa ng masang magsasaka;
-
kalagayan ng uring magsasaka kabilang ang sektor ng kababaihan at kabataan;
-
papel at tungkulin sa demokratikong rebolusyong bayan ng rebolusyonaryong kilusang magsasaka, kabilang ang rebolusyonaryong kilusan ng kababaihan at kabataan sa kanayunan.
Pagbubukas ng Talakayan:
-
Iugnay ang pag-aaral na ito sa Maikling Kurso sa Lipunan at Rebolusyong Pilipino (MKLRP).
-
Ilahad ang layunin at balangkas ng pag-aaral.
Balangkas:
Espesyal na Kurso sa Kilusang Magsasaka
-
Sobrang naghihirap ang uring magsasaka dahil sa problema sa lupa
-
Lumaganap at lumubha ang problema sa lupa sa Pilipinas dahil sa panlilinlang at pangangamkam ng mga mananakop at lokal na PML
-
Demokratikong rebolusyong bayan (DRB) ang makalulutas sa problema ng masang magsasaka at kaakibat na pagsasamantalang pyudal at malapyudal sa kanila
-
Ang Rebolusyonaryong Programa sa Reporma sa Lupa
-
Ang Pambansang Katipunan ng mga Magbubukid (PKM)
Espesyal na Kurso para sa Kababaihan sa Kanayunan
-
Inaapi at pinagsasamantalahan ang lubos na nakakaraming kababaihang Pilipino sa kasalukuyang lipunan.
-
Ang kilusan sa pagpapalaya sa kababaihan ay nakapaloob at nagsusulong sa demokratikong rebolusyong bayan.
-
Ang Makabayang Kilusan ng Bagong Kababaihan (MAKIBAKA)
Espesyal na Kurso para sa Kabataan
I. Pinagsasamantalahan, api at walang kinabukasan ang kabataang Pilipino sa kasalukuyang lipunanII. Kailangang yakapin at isulong ng kabataang Pilipino ang demokratikong rebolusyong bayan.III. Ang Kabataang Makabayan (KM) ang batayang organisasyong masa ng kabataan sa kanayunan.
ESPESYAL NA KURSO SA KILUSANG MAGSASAKA
I. Sobrang naghihirap ang uring magsasaka dahil sa problema sa lupa.
|
MAHAHALAGANG PUNTO |
MUNGKAHING PARAAN |
|
|
Ipakita sa pamamagitan ng tsart ang datos na nasa teksto hinggil sa mga PML sa Pilipinas. Gamitin ang PPPU ng baryo kaugnay sa kakulangan o kawalan ng lupa ng mga magsasaka bilang halimbawa. Itanong sa mag-aaral kung ilan sa kanila ang may sariling lupa. Likumin ang mga sagot at iugnay sa talakayan. Iugnay ang kalagayan ng mga magsasaka sa baryo sa kalagayan ng mga magsasaka sa iba’t-ibang pananim sa buong bansa. Gamitin ang tsart ng datos na nasa kaliwa (gumawa ng tsart para dito).
Ipabahagi sa 1 o 2 mag-aaral na may karanasan hinggil dito.
|
D. Paano dagdag na pinahihirapan ang mga magsasaka bunga ng atrasadong paraan ng pagsasaka?
|
MAHAHALAGANG PUNTO |
MUNGKAHING PARAAN |
|
2. Atrasadong paraan ng pagsasaka 3. Lubhang bulnerable sa mga kalamidad 4. Kawalan ng suportang serbisyo at kapabayaan ng reaksyunaryong gubyerno. 5. Pagsaid sa likas na yaman at malawakang pagwasak sa kapaligiran. |
|
E. Anu-ano ang mga kasangkapan ng PML para mapanatili at mapalawak ang monopolyo nila sa lupa?
|
MAHAHALAGANG PUNTO |
MUNGKAHING PARAAN |
|
1. AFP – tagapagtaguyod ng interes ng mga PML. 2. Kontrolado ng mga PML ang reaksyunaryong gubyerno. 3. reaksyunaryong korte 4. simbahang Katoliko 5. Asosasyon ng mga prodyuser, miller at negosyante 6. Mga organisasyong repormistang inisponsor ng CIA, mga NGO at mga renegadong nagtutulak ng repormista at kontrarebolusyonaryong mga programa at naghahasik ng anti-komunismo 7. Ginagamit din ang kultura upang mapanatili at mapalakas pa ang kanilang paghahari. Sa pamamagitan ng simbahan, masmidya at mga paaralan, patuloy na itinatanim sa isipan ang mga asal ng pagiging sunud-sunoran at pangangayupapa sa mga naghahari, paniniwala sa mga pamahiin, pagpapaubaya sa tadhana o kapalaran, pagsasawalang kibo at pagtitimpi sa kabila ng mga pang-aapi, sistemang patron, at iba pang pyudal na asal at kaisipan.
|
|
G. Paano higit na pinagsasamantalahan at pinipiga ng imperyalismo at malaking burgesyang kumprador ang uring magsasaka sa kasalukuyan?
|
MAHAHALAGANG PUNTO |
MUNGKAHING PARAAN |
|
Matinding pinahihirapan ang masang magsasaka ng mga kasunduan sa GATT tulad ng sumusunod: 1) Ganap na liberalisasyon ng importasyon o pag-aalis ng nalalabing mga restriksyon na nagpoprotekta sa lokal na mga produktong agrikultural. 2) Pagtalikod ng gubyerno sa responsibilidad na magbigay ng suporta sa agrikultura tulad ng mga subsidyo sa palay at mais, pestisidyo at iba pa, at mga serbisyo tulad ng patubig at pautang. 3) Pagpapalawak ng saklaw ng Mga Karapatan sa Pag-aaring Intelektwal (Intellectual Property Rights o IPR) sa anyo ng patent, copyright at trademark. 4) Pag-aalis ng nalalabing mga restriksyon sa pamumuhunan sa akwakultura. |
|
II. Lumaganap at lumubha ang problema sa lupa sa Pilipinas dahil sa panlilinlang at pangangamkam ng mga mananakop at lokal na PML.
*Gamitin ang Timeline ng kasaysayan ng problema sa lupa sa pagtalakay. Iugnay sa pag-aaral ng kasaysayan sa MKLRP.
III. DRB ang makalulutas sa problema sa lupa at kaakibat na pagsasamantalang pyudal & malapyudal sa masang magsasaka.
A. Bakit DRB ang solusyon sa problema sa lupa ng masang magsasaka? B. Bakit kailangang itayo ang demokratikong kapangyarihang pampulitika sa kanayunan?
|
MAHAHALAGANG PUNTO |
MUNGKAHING PARAAN |
|
Sa pamamagitan ng DRB lamang maaaring maibagsak at mawakasan ang kontrol at dominasyon ng USI, malaking burgesya komprador na pangunahing kasabwat ng imperyalista at mga PML sa bayan. Sa pamamagitan ng DRB lamang matitiyak na puspusan ang pagtataguyod sa pakikibaka para sa lupa ng masang magsasaka at makatatanaw sa sosyalistang kinabukasan upang ganap na pawiin ang mga kundisyon para muling makapanumbalik ang kontrol sa lupa ng iilang PML. |
Ilinaw na rebolusyong agraryo ang pangunahing laman ng DRB.
Ipaliwanag ang tatlong sangkap ng DRB – armadong pakikibaka, rebolusyong agraryo at pagbubuo ng baseng masa. |
B. Bakit kailangang itayo ang demokratikong kapangyarihang pampulitika sa kanayunan?
|
MAHAHALAGANG PUNTO |
MUNGKAHING PARAAN |
|
Dito nakasalalay ang hakbang-hakbang na pagpapabagsak sa kapangyarihan ng PML, pagpapahina sa kapangyarihan ng imperyalismong US at mga lokal na naghaharing uri sa buong bayan. |
|
K. Bakit rekisito ang rebolusyong agraryo sa pagtatayo ng demokratikong kapangyarihang pampulitika at pagsusulong ng armadong pakikibaka (AP)?
|
MAHAHALAGANG PUNTO |
MUNGKAHING PARAAN |
|
Rebolusyonaryong dahas ang tugon sa kontra-rebolusyonaryong dahas na ginagamit ng uring PML upang panatilihin ang kanilang paghahari sa masang magsasaka. Mabubuo lamang ang mga pangunahing armadong pangkat ng rebolusyong Pilipino sa paglulunsad ng gerang magsasaka. Sa paglunsad ng AP hakbang-hakbang na nakakapag-ipon ng lakas tungo sa ganap na tagumpay ng DRB at RA. |
Ipakita bakit sa uring magsasaka nagmumula ang kalakhan ng mga mandirigma ng BHB. Ihalimbawa ang karanasan sa baryo o larangan. |
D. Paano mabibigkis ang pagkakaisa ng uring magsasaka laban sa uring panginoong maylupa ?
|
MAHAHALAGANG PUNTO |
MUNGKAHING PARAAN |
|
Hinihimok ang gitna at mataas na panggitnang magsasaka. Ninunyutralisa ang mayamang magsasaka, at Sinasamantala ang mga kontradiksyon sa pagitan ng naliliwanagan at despotikong panginoong maylupa para ihiwalay ang despotiko at nasa kapangyarihang PML. |
|
E. Ano ang mga batayang paraan ng pakikibaka at pagkilos at mga porma ng organisasyon ng mga magsasaka para isulong ang rebolusyong agraryo?
|
MAHAHALAGANG PUNTO |
MUNGKAHING PARAAN |
|
Hayag at ligal na mga porma ng pagkilos at pakikibaka bilang suportang pagkilos. Mahusay na gamitin ang ligal at iligal na porma ng organisasyon ng mga magsasaka. Ang lihim na mga organisasyong magsasaka ang magsisilbing bag-as ng rebolusyonaryong kilusang magsasaka. Ang ligal na organisasyon ang daluyan ng iligal na mga pagkilos, kublihan ng mga organisasyong lihim at tulay para maabot at maugnayan ang ilang mamamayan. |
Maaaring gamitin ang Apendiks – rebolusyong agraryo. |
G. Paano matatag na sumusulong ang rebolusyonaryong kilusang magsasaka sa balangkas ng matagalang digmang bayan?
|
MAHAHALAGANG PUNTO |
MUNGKAHING PARAAN |
|
Sa mga lugar na may nakatayo nang organo ng demokratikong kapangyarihang pampulitika, nawawalan na ng saysay ang kapangyarihan ng mga PML, burges kumprador at maging ng lokal na burukrasya. Gumagana ang mga hukumang bayan na handang magpairal ng tunay na hustisya na di kailanman nakamit ng mamamayan sa mga korte ng reaksyunaryong estado. Umiiral ang sistema ng depensa at pagpapanatili sa seguridad at kaayusan ng lugar. Naging aktibo ang kilusang magsasaka sa mga isyung antipyudal, antipasista at anti-imperyalista at nagiging mas malawak at mas mahigpit ang pakikipag-alyansa ng mga magsasaka sa iba’t ibang demokratikong uri at sektor ng lipunan. |
|
IV. Ang rebolusyonaryong programa sa reporma sa lupa
A. Ano ang rebolusyonaryong programa sa reporma sa lupa (RPRL)?
|
MAHAHALAGANG PUNTO |
MUNGKAHING PARAAN |
|
Pagtugon sa mithiin ng masang magsasaka na magkaroon ng sariling lupa. |
|
B. Ano ang mga kundisyon sa pagpapatupad ng reporma sa lupa?
|
MAHAHALAGANG PUNTO |
MUNGKAHING PARAAN |
|
- pagpapababa ng upa sa lupa, - pagpapataas ng sahod ng mga manggagawang bukid, - pagpawi ng usura at - pagpapataas ng presyo ng produkto ng magsasaka. - pagpapaunlad ang produksyon at pagtatayo ng karagdagang mapagkakakitaan ng masang magsasaka. b. Sa tagumpay ng DRB kukumpiskahin at ina-nasyunalisa ang mga lupain ng mga panginoong maylupa, malaking burgesyang kumprador at imperyalista at ipapamahagi ang karapatang magbungkal nang libre sa mga nagbubungkal na walang lupa o walang sapat na lupa. |
Magbigay ng halimbawa mula sa mga karanasan ng baryo. |
K. Ano ang nasyunalisasyon ng lupa at bakit kailangan ito sa ganap na pagpapatupad ng rebolusyonaryong reporma sa lupa?
|
MAHAHALAGANG PUNTO |
MUNGKAHING PARAAN |
|
Ipagbabawal ang pagbenta at/o pagbili ng mga lupaing nabanggit upang matiyak na hindi na muling makokonsentra ang lupa sa kamay ng iilan. Titiyakin din na mabigyan-daan ang kooperatibisasyon ng indibidwal na pagsasaka. |
|
D. Ano ang partikular na mga gabay sa pagpapatupad ng minimum na programa sa reporma sa lupa?
|
MAHAHALAGANG PUNTO |
MUNGKAHING PARAAN |
|
Ibaba ang upa sa lupa hanggang 10% sa bawat netong ani, o mas mababa pa. Bilang unang hakbang, maaaring ibaba nang kalahati sa umiiral. Ibibigay sa demokratikong gubyernong bayan (DGB) ang bahagi ng nabawas sa upa ng lupa sa pamamagitan ng PKM o ng BHB. Sabay-sabay na itigil ng mga kasama ang pagbayad ng upa sa lupa kung malapit nang kumpiskahin ang mga ari-arian ng PML. 2. Kaugnay ng usura Bilang unang hakbang, ibaba ng 50% ang interes sa usura na umiiral sa lugar 3. Kaugnay ng gastos sa pagsasaka 4. Kaugnay ng pagpapababa ng paarkila sa hayop at kagamitang pansaka 5. Kaugnay ng anumang klase ng tributo 6. Kaugnay ng sahod 7. Kaugnay ng mga kalamidad 8. Kaugnay ng karapatan sa pagbubungkal |
Ipakita paano makukuha ang netong ani.
Basahin ang # 3-8 sa teksto. Magbigay ng mga halimbawa. |
E. Paano pakikitunguhan ang mga kaaway at kaibigan ng rebolusyon sa kanayunan sa pagpapatupad ng maksimum na programa sa reporma sa lupa?
|
MAHAHALAGANG PUNTO |
MUNGKAHING PARAAN |
|
- Mahigpit na ipagbabawal ang pagmamay-ari o kontrol ng malaking kapitalistang dayuhan sa kahit kapirasong lupang agrikultural. - Matapos ang pambansang tagumpay ng rebolusyon, kukumpiskahin at isasabansa ng demokratikong gubyernong bayan ang mga lupaing agrikultural na pinatatakbo sa batayang kapitalista. 2. Panginoong Maylupa (PML) - Kumpiskahan at isasabansa ang lupain nila para maipamahagi sa mga maralita at mababang panggitnang magsasaka. - Pangunahing target ang PML na malaki, nangangamkam ng lupa, nasa poder at despotiko. - Ang naliliwanagang PML (sumusunod sa rebolusyonaryong patakaran sa reporma sa lupa) ay papayagang magmamay-ari ng sariling bahay, personal na pasilidad, at negosyo sa industriya o komersyo, o kapirasong lupang halos kasinlaki ng pag-aari ng mayamang magsasaka, kung sila mismo ang magbubungkal ng lupa. - Ang mga PML na hindi gumawa ng malubhang krimen laban sa mamamayan ay papartehan ng lupang kapareho ang laki at kalidad sa ibibigay sa maralita at mabababang panggitnang magsasaka kung handa siyang magbungkal ng lupa. - Paparusahan ayon sa bigat ng krimen ang sinumang gumagamit ng dahas at kontra-rebolusyonaryong hakbang laban sa reporma sa lupa, pero bibigyan ng pagkakataong magkaroon ng ikabubuhay ang ibang myembro ng pamilya nito kung susunod sila sa batas ng demokratikong gubyernong bayan. 3. Komersyante 4. Mayaman at Mataas na Panggitnang Magsasaka 5. Gitnang-Panggitnang Magsasaka 6. Maralita at Mababang Panggitnang Magsasaka 7. Manggagawang Bukid 8. Maralitang Setler at pambansang minorya 9. Iba pa |
Ipaliwanag ang pagkakaiba ng pakikitungo sa mga kaaway at kaibigan sa rebolusyon. Ipakita ang pagkamakatarungan ng rebolusyonaryong patakaran.
|
G. Paano itataguyod ang mahusay na kundisyon sa pagtatrabaho at pamumuhay ng manggagawang bukid sa mga sakahang kapitalista?
|
MAHAHALAGANG PUNTO |
MUNGKAHING PARAAN |
|
1. Pakikibaka para sa mahusay na kundisyon sa pagtatrabaho at pamumuhay. 2. Ang patakaran sa pagrerekrut ng manggagawang bukid sa hanay ng masang magsasaka. |
Maaaring magtalakayan tungkol sa umiiral na sistema ng pasahod sa baryo o erya. |
H. Paano pangangasiwaan ng demokratikong gubyernong bayan ang gawain sa reporma sa lupa?
|
MAHAHALAGANG PUNTO |
MUNGKAHING PARAAN |
|
1. Momobilisahin ang masang magsasaka ng samahan ng mga magsasaka at mga namumunong organo sa pagsusuri sa uri, atbp…. 2. Pulong masa 3. Bubuwisan ang bawat pamilya o bubong sa porma ng produkto o pera. |
Magbigay ng halimbawa. |
V. Ang Pambansang Katipunan ng mga Magbubukid (PKM)
A. Ano ang Pambansang Katipunan ng mga Magbubukid (PKM)?
|
MAHAHALAGANG PUNTO |
MUNGKAHING PARAAN |
|
|
Tuluy-tuloy na talakayin ang A-K. Ilinaw na ang pagbubuo ng PKM ay nagsisimula sa pagtatayo ng mga grupong pang-organisa (GP) nito sa baryo. |
B. Sino ang maaaring sumapi sa PKM?
|
MAHAHALAGANG PUNTO |
MUNGKAHING PARAAN |
|
Pagkakumpleto sa libreng pamamahagi ng lupa, ibubukas ang pagsapi sa mayamang magsasaka, pero hindi sila pwedeng mahalal sa namumunong mga komite ng PKM. |
|
K. Ano ang mga karapatan at tungkulin ng mga kasapi?
|
MAHAHALAGANG PUNTO |
MUNGKAHING PARAAN |
|
|
Maaari ring gumawa ng tsart at gamitin sa talakayan. |
D. Paano ang sistema ng organisasyon at pagpondo?
|
MAHAHALAGANG PUNTO |
MUNGKAHING PARAAN |
|
Tungkulin ng pamunuan ng samahan na alamin ang mga problema, kalagayan at palagay ng mga kasapi para mabuo ang wastong desisyon. Tungkulin ng mga kasapi na ipaabot sa mga namumuno ang nakikitang mga problema, palagay at mungkahi nila para maagap na maaksyunan ang mga ito. Balangay sa baryo ang batayang yunit ng organisasyon. Magmumula sa taunang butaw ng mga kasapi ang pondo ng samahan: Maralitang magsasaka o manggagawang bukid = P6 o katumbas nito sa butil Panggitnang magsasaka = P12 o katumbas nito sa butil Ibibigay ito pagkatapos ng anihan. |
Hikayatin ang mag-aaral na magtanong. |
E. Ano ang tungkulin ng PKM?
|
MAHAHALAGANG PUNTO |
MUNGKAHING PARAAN |
|
|
|
G. Paano magsisilbing kooperatiba ang PKM?
|
MAHAHALAGANG PUNTO |
MUNGKAHING PARAAN |
|
Ang mga lupa ng kooperatiba ang basehan ng para sa mas mataas na antas ng kooperasyon. |
Himukin ang mag-aaral na magtanong o magpahayag ng opinyon.
|
ANG ESPESYAL NA KURSO PARA SA KABABAIHAN SA KANAYUNAN
I. Inaapi at pinagsasamantalahan ang lubos na nakakaraming kababaihang Pilipino sa kasalukuyang lipunan.
A. Ano ang kalagayan ng kababaihang Pilipino?
|
MAHAHALAGANG PUNTO |
MUNGKAHING PARAAN |
|
Ang nabanggit nang mga pinoproblema ng masang magsasaka at manggagawang bukid ay pinoproblema rin ng kababaihan sa kanayunan. Pangunahin nito ay ang kawalan o kakulangan ng lupa bunga ng monopolyo o pag-aari ng iilang panginong maylupa ng malalawak na lupaing sakahan. Dulot nito, matindi silang napagsasamantalahan. Dumaranas sila sa pagsasamantala at pang-aapi na dinaranas ng mga kauring kalalakihan. |
Ilinaw na ang pagsasamantala at pang-aaping nararanasan ng kababaihang magsasaka ay pangunahing nakaugat pa rin sa kakulangan o kawalan ng lupa. Liban dito, dumaranas pa ng dagdag na pang-aapi at pagsasamantala ang kababaihang anakpawis bunga ng mababang katayuan nila sa lipunan na dulot ng pag-iral ng 4 na awtoridad. |
B. Paano napatitindi ang hirap at aping kalagayan ng kababaihang anak-pawis bunga ng mababang katayuan ng babae sa lipunan?
|
MAHAHALAGANG PUNTO |
MUNGKAHING PARAAN |
|
* Pyudal: Babae ay mahina, pambahay, sunud-sunuran sa asawa * Burges: Babae ay kalakal, taga-aliw ng lalake. |
|
K. Ano ang ugat ng hirap at aping kalagayan ng kababaihang anakpawis?
|
MAHAHALAGANG PUNTO |
MUNGKAHING PARAAN |
|
Sa malakolonyal at malapyudal na lipunang Pilipino, laluna sa kanayunan, patuloy na umiiral ang mapang-aping pyudal na mga institusyon ng awtoridad: 1. awtoridad ng pulitika – haligi ng iba pang awtoridad. Nakasentro sa PML. 2. awtoridad ng angkan – Mapagpasya ang pamilya o angkan . 3. awtoridad ng simbahan – Nagpapalaganap sa pagiging mapagtiis at masunurin sa awtoridad. 4. awtoridad ng lalaki – Napaiilalim ang babae sa poder ng lalaki. Sagabal ang 4 na awtoridad at dekadenteng kultura sa lubos na paggamit at pagpapaunlad ng kababaihan sa kakayahan nila. |
Ilarawan kung paano nakapagsasamantala at nakapang-aapi sa kababaihang anakpawis ang 4 na awtoridad. (Iwasang maging kontra-lalaki ang diskusyon). |
II. Ang kilusan sa pagpapalaya sa kababaihan ay nakapaloob at nagsusulong sa demokratikong rebolusyong bayan.
A. Ano ang kilusan sa pagpapalaya sa kababaihan?
|
MAHAHALAGANG PUNTO |
MUNGKAHING PARAAN |
|
Sa ngayon, ang kilusan sa pagpapalaya sa kababaihan ay nakapaloob at nagsisilbi sa DRB. Ang paglaya ng sambayanan sa paghahari ng tatlong salot ay isang higanteng hakbang tungo sa paglaya ng kababaihan sa mababa at aping kalagayan sa kasalukuyang lipunan. Sa sosyalistang rebolusyon, ibayong malilikha ang mga kundisyon para sa pagtatamo ng pantay na katayuan ng babae at lalaki. Ang kilusan ng kababaihan ay nagsisilbi at napaiilalim sa makauring pakikibaka ng masang anakpawis, ang manggagawa at magsasaka. |
Tuluy-tuloy na talakayin ang # 1–3. Linawin ang katangian at layon ng kilusan sa pagpapalaya sa kababaihan, ang pangunahin at iba pang tungkulin ng rebolusyonaryong kilusan ng kababaihan sa kanayunan. |
B. Ano ang tatlong pangunahing tungkulin ng rebolusyonaryong kilusan ng kababaihan sa kanayunan?
|
MAHAHALAGANG PUNTO |
MUNGKAHING PARAAN |
|
2. Ang tungkulin kaugnay ng armadong pakikibaka 3. Ang tungkulin sa rebolusyong agraryo at produksyon |
Tuluy-tuloy na talakayin ang A-K. Ilinaw na ang pagbubuo ng PKM ay nagsisimula sa pagtatayo ng mga grupong pang-organisa (GP) nito sa baryo. |
K. Ano ang iba pang mga tungkulin ng rebolusyonaryong kilusan ng kababaihan sa kanayunan?
|
MAHAHALAGANG PUNTO |
MUNGKAHING PARAAN |
|
2. Ilunsad ang demokratisasyon ng pamilya. |
Tuluy-tuloy na talakayin ang A-K. Ilinaw na ang pagbubuo ng PKM ay nagsisimula sa pagtatayo ng mga grupong pang-organisa (GP) nito sa baryo. |
III. Ang Makabayang Kilusan ng Bagong Kababaihan (MAKIBAKA)
|
MAHAHALAGANG PUNTO |
MUNGKAHING PARAAN |
|
Ito ang batayang organisasyon ng kababaihang taganayon para isulong ang rebolusyonaryong kilusan ng kababaihan; isang rebolusyonaryong organisasyong nagtataguyod sa pambansa at demokratikong interes ng mamamayan. B. Ano ang mga tungkulin ng Makibaka? Ang Makibaka ay may tungkulin sa larangan ng pulitika, ekonomya, militar at kultura. |
Basahin sa teksto at talakayin ang mga partikular na tungkulin. Maaari ring gumawa ng tsart at gamitin sa pagtalakay. Awitin ang Martsa ng Kababaihan bilang pagsuma sa subtopiko. |
ESPESYAL NA KURSO PARA SA KABATAAN
I. Pinagsasamantalahan, Api at Walang Kinabukasan ang Kabataang Pilipino sa Kasalukuyang Lipunan
A. Ano ang mga katangian ng kabataang Pilipino?
|
MAHAHALAGANG PUNTO |
MUNGKAHING PARAAN |
|
Nasa kanayunan ang bulto nito Nakapaloob sila sa iba’t-ibang uri. Taglay nila ang kasiglahan ng pag-iisip at |
Ipalarawan sa mag-aaral ang mga katangian ng kabataan sa baryo nila. Likumin ang mga sagot at magdagdag ng paliwanag sa pamamagitan ng mga halimbawa. |
B. Ano ang kalagayan sa kabuhayan ng kabataang Pilipino?
|
MAHAHALAGANG PUNTO |
MUNGKAHING PARAAN |
|
|
Ipabahagi sa mag-aaral ang kabuhayan ng kabataan sa baryo. Iugnay ito sa kalagayan ng kabataan sa kanayunan sa buong bansa. Ilarawan din ang kalagayan ng kabataang manggagawa, estudyante, at iba pang petiburges. |
K. Natatamasa ba ng kabataan ang karapatan nila sa makabuluhang edukasyon?
|
MAHAHALAGANG PUNTO |
MUNGKAHING PARAAN |
|
Limitado ang kanilang oportunidad na makapag-aral. Matindi ang komersyalisasyon ng edukasyon. Laman ng edukasyong ibinigay ng gubyerno ang mga ideya at kaisipang nagsisilbi sa mga imperyalista, MBK at PML. Hinubog ng ganitong edukasyon ang mga kabataang Pilipino para maging makasarili, bulag sa kahirapan ng mamamayan at hiwalay sa kanila, mapamahiin, maamo at sunud-sunoran sa mga naghaharing uri at makadayuhan. |
Ipabahagi ang obserbasyon nila sa kalagayan ng sistema ng edukasyon sa baryo. Iugnay ang kalagayan sa baryo nila sa kalagayan ng edukasyon sa bansa. |
D. Nagtatamasa ba ng demokratikong mga karapatan ang kabataang Pilipino?
|
MAHAHALAGANG PUNTO |
MUNGKAHING PARAAN |
|
Ipinagkakait o sinusupil ang karapatang mag-organisa at mamahayag. Iginigiit ng pasistang gubyerno sa kabataan ang reaksyunaryong mga organisasyon – AFP, SK. Pilit na sinasanay sa buhay militar sa eskwelahan – CAT, CMT-ROTC, NSTP |
Ipaliwanag ang panggigipit sa mga kabataan – sa lunsod man o kanayunan – ng pasistang gubyerno. Ihalimbawa ang di na mabilang na kabataang naging biktima ng pagdakip, pagbilanggo, pagtortyur at pagpaslang ng pasistang estado. |
E. Anong klaseng kultura ang pangunahing nakakaimpluwensya sa kaisipan, gawi at pag-uugali ng kabataang Pilipino?
|
MAHAHALAGANG PUNTO |
MUNGKAHING PARAAN |
|
Kulturang makasarili, mapamahiin, makadayuhan at sunud-sunuran sa naghaharing uri; Kulturang pasista: “normal” ang pagyurak sa mga karapatan ng mamamayan at ang pagturing sa pasistang gubyerno at AFP na tagapagligtas ng bayan; -Dekadenteng kultura: krimen, pagsusugal, paglalasing, pagdodroga, panghahalay at paglalaro sa kababaihan at iba pang kalaswaan at pagsasayang ng pera at panahon. 2. Ang mga ito ay ipinalalaganap sa radyo, TV, komiks, sine, TV, dyaryo; eskwelahan at simbahan. 3. Hindi wastong nahuhubog ang pag-iisip at pag-uugali ng kabataan. Inilalayo ng bulok na kultura ang kabataan sa landas ng pagrerebolusyon. |
Sumahin ang mga sagot. Ipaliwanag kung paano lumaganap sa baryo ang ganoong impluwensya. Ilinaw na ganito rin ang nangyayari sa buong bansa at kung ano ang kahihitnatnan ng kabataan sa ganoong kultura. |
G. Ano ang ugat ng mga problema ng kabataang Pilipino?
|
MAHAHALAGANG PUNTO |
MUNGKAHING PARAAN |
|
|
|
II. Kailangang yakapin at isulong ng kabataang Pilipino ang demokratikong rebolusyong bayan.
|
MAHAHALAGANG PUNTO |
MUNGKAHING PARAAN |
|
Para mabago ang kasalukuyang kalagayan ng kabataang Pilipino, kailangang ibagsak ang naghaharing sistema sa pamamagitan ng demokratikong rebolusyong bayan at itayo ang isang lipunang tunay na malaya at demokratiko. B. Ano ang mga pangunahing tungkulin ng rebolusyonaryong kabataan sa kanayunan? Ang pagkilos ng rebolusyonaryong kabataan sa kanayunan ay bahagi ng kilusang magsasakang nagsisilbi sa DRB. Sa kanayunan may tatlong pangunahing tungkulin ang rebolusyonaryong kabataan: 1. ang pagsulong ng kilusang magsasakang nagsisilbi sa DRB sa pamamagitan ng pagsanib at pagkilos sa Kabataang Makabayan (KM); 2. ang pagganap sa gawaing propaganda para ipalaganap ang pambansa-demokratikong mithiin ng mamamayan at ang pangangailangan sa armadong pakikibaka para makamtan ito; 3. ang paglahok, pagsuporta at pagsusulong sa armadong pakikibaka. |
Linawin na mababago lang ang kasalukuyang kalagayan ng kabaatang Pilipino sa pamamagitan ng pagyakap at pagsulong ng DRB sa tagumpay. Basa-talakay sa mga pangunahing tungkulin ng rebolusyonaryong kabataan sa kanayunan. |
III. Ang Kabataang Makabayan (KM) ang batayang organisasyong masa ng kabataan sa kanayunan.
|
MAHAHALAGANG PUNTO |
MUNGKAHING PARAAN |
|
2. Para magampanan ang papel nito bilang bahagi ng kilusang magsasaka para sa DRB, may mga tungkulin ito sa larangan ng pulitika, militar, ekonomya at kultura. |
Ipaliwanag kung ano ang KM, paano ito itayo at sino ang maaaring sumapi nito. Ilagay sa strip ang siniping pangungusap ni Kasamang Mao: ”Kabataan, puno ng lakas at sigla tulad ng araw sa ika-8 o ika-9 ng umaga. Ang daigdig ay sa inyo at sa amin. Ngunit sa huling pagtutuos ito ay sa inyo…” Kunin ang opinyon ng mag-aaral kung ano ang ibig sabihin ng siping ito. |
Pagsasara:
1. Buudin ang eskum magsasaka, kababahihan at kabataan.
2. Isara sa pamamagitan ng pag-awit o pagpapatugtog ng Awit ng Pagbabalikwas, (nasa Mga Kanta ng Rebolusyong Pilipino Vol 2,) o pagtula ng isang angkop na tula.











