Pag-aaral sa Lipunan at Rebolusyong Pilipino

Ang mga pag-aaral sa ilalim ng kategoryang ito ay pangunahing naglilinaw sa salalayang rebolusyonaryong mga pagsusuri sa kasaysayan at katangian ng lipunang Pilipino, at sa pangkalahatang layunin, estratehiya at taktika ng demokratikong rebolusyong bayan. Kabilang dito ang Maikling Kurso sa Lipunan at Rebolusyong Pilipino o MKLRP (kilala rin bilang Pangkalahatang Kursong Masa o PAKUM), Mga Partikular na Katangian ng Ating Digmang Bayan, at iba pang komprehensibong mga sulatin nina Amado Guerrero at Jose Ma. Sison.

Maikling Kurso sa Lipunan at Rebolusyong Pilipino

mklrp_icon"Itinuturing ang MKLRP bilang pinakabatayan at unang kursong masang pinag-aaralan mula sa kurikulum ng PADEPA. Samantalang masaklaw nitong inilalahad ang pundamental na kalagayan at katangian ng lipunang Pilipino at ang demokratikong rebolusyong bayan, inilalatag rin nito ang pangkalahatang konteksto at batayan ng pagaaral sa iba pang kasunod na maiikling kurso tulad ng sa kilusang magsasaka, kilusang kabataan at kilusang kababaihan."

Read more...

Makibaka Para sa Pambansang Demokrasya

mpdicon"Ang librong ito'y isang istorikong rekord ng ligal na pakikibaka para sa pambansang pagpapalaya at demokrasya laban sa imperyalismong US, pyudalismo at burukratang kapitalismo noong dekada 1960 at maaagang bahagi ng dekada 1970... Nananatiling kasimbalido at kasing-importante tulad noong una ang kagyat na kahingian ng sambayanan para sa pambansang pagpapalaya at demokrasya..."

Read more...

Lipunan at Rebolusyong Pilipino

lrpicon"Ang Lipunan at Rebolusyong Pilipino ay isang pagsisikap na ilahad nang komprehensibo mula sa paninindigan ng Marxismo-Leninismo-Kaisipang Mao Zedong ang mga pangunahing agos sa kasaysayan ng Pilipinas, ang mga saligang problema ng sambayanang Pilipino, ang umiiral na istruktura ng lipunan, at ang istratehiya't taktika at makauring lohika ng rebolusyonaryong solusyon - ang demokratikong rebolusyon ng bayan."

Read more...

Ang Mga Partikular na Katangian ng Ating Digmang Bayan

scpw_iconNarito ang upisyal na salin sa Pilipino ng Specific Characteristics of Our People’s War. Pangunahing ibinatay ito sa isinaayos na salin ng Kawsa noong Nobyembre 1982. Isinaayos ang naturang salin ng Kawsa alinsunod sa memo ng KTKS ng Enero 30, 1998. May pinadulas at isinaayos ding ilan pang bahagi sa salin ng Kawsa 1982.

Read more...

Krisis at Rebolusyong Pilipino

krpicon"Ang maikli ngunit malamang librong ito ay naghahayag ng istorikong bakgrawnd at mga saligang problema ng sambayanang Pilipino sa pampulitika, sosyo-ekonomiko, pangkultura at diplomatikong larangan at mga batayang solusyon sa pambansa-demokratikong linya. Inaapdeyt at itinataguyod nito ang nilalaman ng Makibaka para sa Pambansang Demokrasya at Lipunan at Rebolusyong Pilipino."

Read more...

Ekonomya at Pulitika ng Pilipinas

malapyudalismoIto ay kalipunan ng tatlong artikulo tungkol sa malapyudalismo: ang mga sanaysay ni Jose Ma. Sison na Ang Kalagayan ay Hindi Kalitatibong Nagbago at Malapyudalismo: Alamat o Katotohanan; at ang isinulat ni Julita de Lima-Sison mula sa isang panayam kay Jose Ma. Sison, Si Jose Maria Sison Tungkol sa Moda ng Produksyon. Sa paraang grapiko at madaling maunawaan, matalas na inilalahad ng mga artikulong ito ang kalagayan ng Pilipinas na walang dudang nagpapatunay sa pagiging malapyudal nito.

Read more...

SubscribeFind UsFollow Us