Sa mga pag-aaral sa ilalim ng PADEPA MLM, panimulang ipinakikilala sa hanay ng organisadong masa ang mga batayang Marxista-Leninista-Maoistang paninindigan, pananaw at pamamaraan. Kabilang dito ang mga aralin at babasahing nagpapatampok sa wastong rebolusyonaryong aktitud at lubos na paglilingkod sa sambayanan gaya ng Araling Aktibista, pinasimpleng mga bersyon ng mga klasikong sulating MLM hinggil sa iba’t ibang paksa, at ang maikli subalit komprehensibong pag-aaral hinggil sa Partido Komunista ng Pilipinas o ang Kursong Oryentasyon sa Partido (KOP).