Pag-aaral sa mga Patakaran at Programa

Nasa ilalim ng kategoryang ito ang iba’t ibang pag-aaral sa mga patakaran at programa hinggil sa partikular na mga rebolusyonaryong kilusang masa at iba pang mayor na aspeto at usapin ng demokratikong rebolusyong bayan. Tampok dito ang mga Espesyal na Kursong Masa hinggil sa rebolusyonaryong kilusan ng magsasaka at ng iba pang sektor.

Espesyal na Kurso sa Kilusang Magsasaka

eskum_iconTinatalakay dito ang katangian, kasaysayan at rebolusyonaryong solusyon sa problema sa lupa. Ibinibigay ito sa mga kasapi hindi lang ng samahang magsasaka, kundi ng samahang kababaihan at kabataan bilang integral na bahagi ng kilusang magsasaka at bago pag-aralan ang Eskum-Kababaihan at Eskum-Kabataan. Sa gayon, bukod sa pangkalahatang pag-unawa sa lipunan at rebolusyong Pilipino, wastong mailulugar ang kanilang partikular na sektor sa kilusang magsasaka.

Read more...

Espesyal na Kurso sa Kilusang Kababaihan sa Kanayunan

eskumkbbPangunahing pinapaksa rito ang kalagayan ng kababaihang magsasaka at manggagawang bukid, ang ugat ng pagsasamantala at pang-aapi sa kanila, at ang katangian ng kanilang kilusan sa pagpapalaya at ang tungkulin nito sa demokratikong rebolusyon ng bayan.

Read more...

Espesyal na Kurso para sa Kabataan

ekmkbtInilalahad dito ang kalagayan at katangian ng kabataang Pilipino ang kanilang mga tungkulin sa rebolusyon. Dapat pag-aralan ang kursong ito pagkatapos ng MKLRP at Eskum-Magsasaka upang mas masapol ang kalagayan ng kabataan sa konteksto ng kalagayan ng masang magsasaka at ng buong lipunan.

Read more...

Pambansa-Demokratikong Rebolusyon sa Pamamagitan ng Matagalang Digmang Bayan

jms2Inilalatag sa maikling artikulong ito ni Jose Maria Sison ang pagsusulong ng pambansa-demokratikong rebolusyon sa Pilipinas sa pamamagitan ng matagalang digmang bayan batay sa partikular na mga katangian ng Pilipinas. Muling isinasaad at inaapdeyt sa artikulong ito ang naunang mga punto sa Mga Partikular na Katangian ng Digmang Bayan sa Pilipinas.

Read more...

Tungkol sa Usapin ng Mga Yugto sa Rebolusyong Pilipino

rebocover2Nilinaw sa dalawang artikulo rito, na kapwa editoryal ng Rebolusyon, ang usapin tungkol sa dalawang yugtong rebolusyon sa Pilipinas - kung bakit kailangang magdaan sa pambansa-demokratikong rebolusyon, kung bakit kailangang isulong ang sosyalistang rebolusyon, at kung kailan sisimulan ang pagsusulong ng sosyalistang rebolusyon.

Read more...

Salubungin ang Ika-21 Siglo at Bagong Milenyo nang may Kapasyahang Paigtingin ang Rebolusyon

salubunginIto ang pahayag ng Partido Komunista ng Pilipinas sa kanyang pagdiriwang ng ika-31 anibersaryo. Nagbibigay ito ng pagsusuri tungkol sa kalagayan sa daigdig na naglilinaw sa katiyakan ng tagumpay ng sosyalismo sa monopolyong kapitalismo; nagbibigay rin ito ng pagsusuri tungkol sa patuloy na nabubulok na lokal na naghaharing sistema; inilalatag rin nito ang kalagayan at palabang mga tungkulin ng partido at ng mga rebolusyonaryong pwersa.

Read more...

SubscribeFind UsFollow Us