Pagsasanay

Naririto ang mga kursong pang-instruktor ng PADEPA. Ang pangkalahatang layunin ay makapagsanay ng libu-libong instruktor na may wastong oryentasyon at sapat na kakayahan sa epektibo at buhay na pamamaraan ng pagtuturo.

Kursong Pagsasanay Para sa Mga Instruktor ng PADEPA

Ang Kurso sa Pagsasanay ng mga Instruktor ng Pambansa-Demokratikong Paaralan (KPI-PADEPA) ay bahagi ng ating pangkalahatang pagsisikap na pasiglahin ang pampulitikang edukasyon sa hanay ng masa sa pangkalahatan, at sa pagpapagana sa PADEPA sa partikular. Sa masiglang paglulunsad ng mga KPI-PADEPA hindi lamang sa loob ng Hukbo, kundi maging sa hanay ng mga aktibistang masa at mga kasapi ng sangay ng Partido sa lokalidad, epektibo nating pinalalalim ang balon ng rebolusyonaryong mga instruktor na tuwirang makakatuwang ng Partido at Hukbo.

Read more...

Modyul Sa Pagdrowing Para Sa Mga Instruktor

Ito ang modyul sa pagsasanay sa pagdrowing para magamit at mapag-aralan ng mga instruktor at ng nagsasanay na mga instruktor. Kung may sapat na panahon at kung may kakayahan ang tagapagsanay, maaaring ituro ang modyul na ito bilang bahagi ng Kursong Pagsasanay Para sa Mga Instruktor ng PADEPA. Ibinibigay ito bago ang Palihan-Praktikum at maaaring tumagal ng kalahating araw.

Read more...

SubscribeFind UsFollow Us